LGU LINGAYEN, TUMANGGAP NG PAGKILALA MULA SA DEPARTMENT OF HEALTH

Tinanggap ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni OIC/Acting Mayor Dexter Malicdem at Municipal Health Officer Dr. Heinrich M. Manuel ang parangal mula sa Department of Health (DOH).
Kinilala ang LGU Lingayen bilang isa sa mga munisipalidad na nakapagtatag ng maayos at progresibong mga programa sa usaping Pharmaceutical Management System.
Nakilala bilang Best Pharmaceutical Management System Program Implementer ang anim na RHU Pharmacy sa buong probinsya at nakapasok dito ang RHU 1 ng lokal na pamahalaan sa tulong ni Municipal Pharmacist Tricia Ferrer.

Ang Gawad Kalusugan ay isang harmonized awarding strategy ng Department of Health na nagbibigay pagkilala sa lahat ng iniimplementang mga aktibidad at programa na napapatungkol sa pangkalusugan ng isang lokal na pamahalaan.
Nakatanggap din ng special award ang LGU Lingayen mula pa rin sa Department of Health at National Nutrition Council.
Napabilang ito sa siyam na awardees sa buong Rehiyon Uno bilang LGU with Consistent Malnutrition Reduction.
Pinababa ng Municipal Health Office ng Lingayen ang bilang ng mga batang itinuturing na Combined Stunted & Severely Stunted, Combined Wasted and Combined overweight and Obese (0-59 months old children) matapos nilang isagawa ang 1000 days nutrition program ng lokal na pamahalaan base na rin sa validation na isinagawa ng Pangasinan Provincial Nutrition Committee. |ifmnews
Facebook Comments