GOODNEWS: BAGONG DISENYO NG BOLASI SIGNAGE SA SAN FABIAN, BINUKSAN NA

Opisyal ng binuksan sa publiko ang napakagandang disenyo ng BOLASI signage sa BOLASI Beach Boardwalk sa bayan ng San Fabian, Pangasinan sa pangunguna ni Mr. Christopher De Venecia.
Ang nasabing disenyo ay ginawa ng mga mga napaka husay ng ating mga lokal artist at painters na sina Prince Logan, Mark Delos Santos, Irah Mae Gamboa, Goodwin Perez at Abet Sison.
Isinagawa nila ito upang mas maging fun at enjoyable ang experience ng mga papasyal sa Bolasi beach.

Isa yan sa unang hakbang upang mas makilala pa ang pinagmamalaking turismo sa District IV ng Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments