LGU MANGALDAN, NAGHAHANDA NA PARA SA 2023 SGLG REGIONAL ASSESSMENT

Pinaghahandaan na ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan ang nalalapit na 2023 Seal of Good Local Governance (SGLG) regional assessment at validation sa darating na Hunyo 8.
Sa paghahandang ito, pinulong ang mga kaugnay na sangay ng LGU pati kinatawan ng mga sektor ng edukasyon.
Sa pagpupulong na isinagawa, iprinisenta ng Municipal Local Government Operations Office (MLGOO) ang mga inilatag na mga documentary checklist na napapaloob sa sampung assessment areas ng SGLG na mabusising susuriin.

Ilan sa mga areas na ito ay ang financial administration and sustainability, disaster preparedness, social protection and sensitivity, health compliances and responsiveness, sustainable education at iba pang importanteng area na kakailanganin iassess.
Ang alkalde naman ng naturang bayan ay kumpiyansa sa mga pinuno at kawani ng mga sangay nang sa gayon ay muli nilang masungkit ang target na prestihiyoso at pinaka-aasam na Seal of Good Local Governance ng Mangaldan sa ikaanim na pagkakataon. |ifmnews
Facebook Comments