LGU Naga City – Namahagi ng 25,000 Pesos na Additional Benefits Para sa mga Empleyado, LGU Pamplona – MALUNGKOT NA, MASAKLAP PA, WALA as in WALANG Benepisyo…

Medyo “pumuputok pa ang butse” ngayon ng ilang mga empleyado ng Naga City LGU sa harap ng natanggap na TWENTY FIVE THOUSAND PESOS (Php 25,000) additional benefits na pormal na ipinamahagi kahapon December 22, 2017, bago magtapos ang transactions sa Naga City Hall kaugnay ng pagdiriwang ng kapaskuhan.

Ayon kay Budget Officer Frank Mendoza, sinusunod lamang nila ang pamamaraang legal sa pagbibigay ng nasabing dagdag na benepisyo para sa mga empleyado.

Idinagdag pa ni Mendoza na kung walang basehan na magbigay ng sobra pa sa nabanggit na halagang 25,000 pesos, hindi nararapat na ipilit pa ang halagang lampas ditto lalo na at pera ng bayan ang pinag-uusapan dito at hindi personal nap era ng sinumang opisyal ng lungsod.


Ang pagpuputok ng butse ng mga empleyado ay sundot ng mga nakaraang kapaskuhan kung kelan umaabot sa FORTY THOUSAND PESOS (Php40,000) ang additional benefits na kanilang natanggap at hindi pa binawasan ng buwis. Ang 25,000 cash additional benefits ngayong taon ay hindi tax free.
Samantala, malungkot na masaklap pa ang panahon ng kapaskuhan ng maraming empleyado ng bayan ng Pamplona sa Camarines Sur. Wala as in walang natanggap na benepisyo ngayong kapaskuhan ang mga empleyado ng LGU Pamplona sa Camarines Sur. Ito ay sanhi ng komplikasyon sa pamamahala at hindi pagkakaintindihan ng executive at legislative departments kung saan humantong sa budget reenactment dahil walang naipasa ang sanggunian para ngayong 2017.

Facebook Comments