LGU RELIEF OPERATIONS ISINASAGAWA SA BINALONAN; CASH AID PARA SA MGA MAGSASAKA NAIPAMAHAGI NA

Binalonan, Pangasinan – Tuloy tuloy na isinasagawa ang pamamahagi ng relief goods sa mga barangay ng pamahalaang lokal ng Binalonan para matugunan ang kakulangan sa pagkain at pangangailangan ng mga residente. Ang target na benepisyaryo sa bayan na mabibigyan ng mga relief goods ay humigit-kumulang na 13,082 na pamamahay.

Nagpapasalamat ang LGU sa pakikiisa at pakikipagtulungan ng bawat barangay ng bayan hindi lamang sa relief operations kung hindi pati na rin sa lahat ng gawain laban sa Covid-19. Nauna na umano ang pagbibigay ng mga relief goods ng mga opisyales ng mga barangay sa kanilang nasasakupan ng ilang beses nagkaroon din ng pamamahagi ng relief goods ang mga pribadong mamamayan sa kanilang mga kamag-anak, kaibigan at kakilala sa iba’t ibang mga barangay. Ito ay upang maibsan ang pangangailangan ng bawat residente ngayong nakasailalim parin ang lalawigan sa ECQ.

Samantala ay nabigyan din ng tig P5,000 ang aabot sa 880 na magsasaka mula sa 24 na barangay sa nasabing bayan bilang bahagi ng Rice Farmers Financial Assistance. Ang cash assistance umano ay tulong mula sa Department of Agriculture upang matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka ngayong may krisis.
[image: binalonan.jpg]


Facebook Comments