LGU SAN CARLOS, NAKIPAG UGNAYAN SA PHILIPPINE MARINES AT NAVY RESERVE FORCE UKOL SA MAHIGPIT NA PAGBABANTAY SA BORDER CONTROL POINTS NG LUNGSOD

Naghigpit pa lalo ng Pamahalaang Lungsod ng San Carlos ang ginagawang pagbabantay sa mga itinalagang Control Border Checkpoints bilang paglaban maiwasan ang mga non-essential travels at pagkalat ng COVID-19.

Nakipag-ugnayan naman ang lokal na pamahalaan sa pamunuan ng Philippine Marines at Navy Reserve Force para makatulong sa pagpapatupad ng mga Health Protocols.

Nagsimula na ding paigtingin ang visual check ng mga Reserve Forces sa lahat ng dumadaang sasakyan sa lungsod lalo na ang mga nakasakay sa 4-wheel vehicles at closed van para masigurong nasusunod ang mga ipinapatupad na Health Protocols.


Ayon pa sa LGU, ikinatuwa naman ng lokal na pamahalaan ang patuloy nang bumababa ang naitalang bilang ng COVID-19 cases dahil sa ginagawang paghihigpit at pagtutok sa mga ipinagbabawal na aktibidad na nais ipagpatuloy ng City Government para tuluyang magtagumpay ang laban sa COVID-19 Pandemic.

Patuloy na pakiusap nito sa publiko ang pagsunod sa health protocols at pag iwas sa non essential gatherings para maiwasan muli ang pagtaas ng aktibong kaso ng COVID19.

Facebook Comments