DZXL Radyo Trabaho, susuyurin ang kamaynilaan para hanapin ang mga Batang RT!

12

Aarangkada na ang tatlong araw na pag-iikot ng DZXL Radyo Trabaho team sa buong kamaynilaan

Ito ay para sa Batang RT – Batang Tatak DZXL; Radyo Trabaho Gift Giving Activity.


Tatlong grupo ang iikot ngayong araw at maghahanap ng mga batang lansangan sa Caloocan, Valenzuela, Malabon, Navotas at Quezon City.

Ang mga batang maiispatan ng ating team ay makatatanggap ng exclusive Radyoman T-shirt na may kasamang pasalubong bundles at customized DZXL facemask.

Layon ng aktibidad na ito na kahit sa simpleng paraan na maipadama natin sa mga batang lansangan ang kasiyahan at pagmamahal sa gitna ng pandemya.

Manatiling nakatutok sa lahat ng programa ng DZXL 558 Radyo Trabaho, ang inyong gabay sa hanapbuhay!



Facebook Comments