
Pinarangalan ang Pamahalaang Lungsod ng San Carlos dahil sa mahusay na pagpapatupad at pamamahala ng mga programang pang-nutrisyon, batay sa resulta ng Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation (MELLPI PRO) Evaluation.
Para sa ikalawang sunod na taon, ginawaran ang lungsod ng 2024 Green Banner Seal of Compliance bilang pagkilala sa maayos na pagpaplano, implementasyon, at pagsubaybay ng mga programang pang-nutrisyon na naaayon sa pambansang pamantayan.
Kasabay nito, kinilala rin ang City Nutrition Action Officer ng lungsod bilang isa sa mga ginawaran ng 2024 Local Nutrition Action Officer of the Year sa Region I dahil sa mahalagang papel nito sa pagpapalakas ng mga programang pang-nutrisyon at koordinasyon sa iba’t ibang sektor.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang mga parangal ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng lungsod na tugunan ang mga isyung may kaugnayan sa nutrisyon ng mga bata, ina, at pamilya sa komunidad sa pamamagitan ng mga lokal na programa at inisyatiba. 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










