LGU Santiago City, Kinilala bilang ‘Most Sustainable and Livable City’ sa buong bansa

Cauayan City,Isabela- Pinarangalan ng Sustainability Standards Incorporated ang City Government ng Santiago matapos mapabilang sa Most Sustainable and Livable City (Gold Category) sa buong bansa.

Mismong si Mayor Joseph Tan ang tumanggap ng naturang pagkilala bilang bahagi ng malawak at pinaigting na pagsulong ng lungsod sa mga programang pangkapaligiran, kagalingan panlipunan at iba pa.

Sa kanyang facebook post, nagpasalamat si Tan sa kanyang mga kababayan dahil sa muling pagkilalang ibinigay sa lungsod sa ilalim ng kanyang pamumuno.


Dagdag niya, kinilala ang lungsod dahil sa patuloy na pagsusulong ng adbokasiya sa sustainable development.

Ang Most Sustainable and Livable City (Gold Category) ay ang pinakamataas na parangal para sa mga munisipalidad, lungsod at probinsya sa buong Pilipinas.

Kasama rin na tumanggap ng parangal sina City Secretary Janet C. Francia-Orpilla, OIC-City Information Culture and the Arts and Tourism Office Atty. Maria Victoria M. Gonzales-Diego at mga kawani ng City Economic and Investment Promotion Office.

Facebook Comments