LGU TUGUEGARAO AT UCV, NAGHAHANDA NA PARA SA PRIVATE SCHOOLS ATHLETIC ASSOCIATION NATIONAL GAMES 2025

Cauayan City – Puspusan na ang paghahanda ng Lokal na Pamahalaan ng Tuguegarao (LGU) at University of Cagayan Valley (UCV) para sa nalalapit na Private Schools Athletic Association National Games 2025.

Isang pagpupulong ang isinagawa kahapon, January 7 na pinangunahan ni City Mayor Maila Rosario S. Ting-Que, upang plantsahin ang mga plano para sa nasabing pambansang palaro.

Dinaluhan ang nasabing pagpupulong ng ilang opisyal ng LGU kasama ang City Local Development Office Head Dr. Fe Decena Mallari, mga kinatawan mula sa Tuguegarao City Police Station, at kawani ng UCV Private Schools Athletic Association.


Tinalakay sa pagpupulong ang mga pangunahing hakbang upang matiyak ang kaligtasan, seguridad, at maayos na daloy ng mga aktibidad sa nasabing palaro.

Target ng LGU at UCV na gawing matagumpay ang PRISAA National Games 2025 sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon at aktibong partisipasyon ng mga stakeholder.

Samantala, nakatakdang ganapin sa April 3-11 ang nasabing palaro na kung saan dadalo ang mga kalahok mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Facebook Comments