Cauayan City, Isabela-Umutang ng P38 milyon sa bangko ang LGU Tuguegarao para gamitin sa pagbili ng 75,000 doses ng bakuna laban sa COVID-19 mula sa British-Swedish multinational pharmaceutical na Astrazenica.
Sa isang pahayag, sinabi ni Mayor Jefferson Soriano na tatanggapin pa rin ng lungsod ang bakuna na ilalaan ng National Government na SINOVAC at ito rin ang unang ipapamahagi sa mga residente ng lungsod.
Pangungunahan naman ni Soriano ang pagpapaturok ng SINOVAC vaccine mula sa bansang China sakaling duamting ito upang maiwasan ang pangamba ng publiko sa ituturok na bakuna kontra COVD-19.
Una nang nakipag-ugnayan si Soriano sa local government ng Baguio City para idagdag ang bibilhing bakuna ng Tuguegarao na inaasahan namang darating sa third quarter ng taon.
Umaasa naman si Soriano na maaaprubahan ng bangko ang P38 milyon loan para sa Astrazeneca.