LGU TUMAUINI, IDINEKLARANG DRUG-FRE WORKPLACE

Idineklara na bilang Drug-Free Workplace ang lokal na pamahalaan ng Tumauini nitong ika-20 ng Oktubre, taong kasalukuyan na ginanap sa Municipal Hall ng nasabing bayan.

Pinangunahan ni Assistant Regional Director ng PDEA RO2, Christy Silvan katuwang ang mga tauhan ng PDEA ISABELA ang pagbibigay pugay sa Unveiling of Drug-Free Workplace signages ng LGU Tumauini, Isabela at Tumauini Police Station sa isang seremonya na ginanap bandang 9:30 ng umaga, ng nasabing araw.

Samantala, naging matagumpay ang aktibidad na inorganisa ng Office of the MADAC, Tumauini CBAIDA Team, PNP, mga empleyado ng LGU at iba pang stakeholders.

Kaugnay nito, iginawad naman ni Ard Silvan, ang Certificates of Commendation kay Hon. Mayor Venus T. Bautista at PMAJ Charles Cariño para sa pagtatatag at pag-institutionalize ng nasabing Drug-Free Workplaces.

Facebook Comments