LGUs, bumabalangkas na ng mas mahigpit na health protocols bilang paghahanda sa Omicron variant

57

Naghahanda na rin ang mga local government unit (LGU) sa pagpapatupad ng mas mahigpit na health and safety regulations sa harap ng banta ng Omicron variant.

Ayon kay League of Provinces of the Philippines (LPP) President at Marinduque Gov. Presibitero Velasco Jr., duda silang napapanahon ang pagluluwag ng health protocol restriction lalo’t hindi pa naman nawawala ang banta ng COVID-19.

Bilang precautionary measure, ilang LGU ang nagpatupad ng border control kung saan hindi basta makakapasok ang isang biyahero kung walang travel permit.


Dagdag pa ni Velasco, pinalalakas na rin nila ang kanilang information drive para ipaunawa sa mga unvaccinated individual ang advantage ng pagpapabakuna.

Facebook Comments