LGUs, hinimok ng TESDA na mag-avail ng kanilang libreng contact tracing training

Hinikayat ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang Local Government Units (LGUs) na mag-avail ng kanilang libreng Contact Tracing Training Program (CTTP)

Sa harap ito ng paglobo ng COVID-19 cases sa bansa.

Inatasan na rin ni TESDA Secretary Isidro Lapeña ang TESDA Technology Institutions (TTIs) sa buong bansa na magrehistro na ng mga programa at partner sa barangay health centers, LGUs, Philippine Red Cross (PRC) o Department of Health (DOH) facilities sa kanilang mga lugar.


Ayon kay Lapeña, malaki ang magiging benepisyo ng nasabing programa sa mga komunidad at LGU partikular sa mga barangay.

Ang trainees para sa contact tracing ay dapat nakakumpleto ng 10 years basic education o holder ng Alternative Learning System certificate of completion na Grade 10 at mayroong basic communication skills.

Ang trainees ay bibigyan din ng training allowance na P2,400 sa buong training duration, bukod pa sa insurance coverage at karagdagang allowance para sa internet expenses at Personal Protective Equipment.

Pagkatapos ng kanilang pagsasanay, maaari na silang mag-apply sa LGUs na nais nila, para sa kanilang employment.

Ang training sa contact tracing, ay nabuo sa tulong ng Health Human Resources Development Bureau ng DOH at ng health industry experts at ito ay sa loob ng 15 araw sa ilalim ng blended learning modality.

Facebook Comments