LGUs na may ultra-cold storage facilities, tiyak na makatatanggap ng Sputnik V vaccine – FDA

Ipapamahagi ang Russian-made Sputnik V vaccine sa mga lugar na kayang makamit ang storage requirements nito.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, ang storage requirement ng Sputnik V ay -18 degrees at mababa pa.

Dapat mapanatili ang mga bakuna sa mga storage facilities na kaya ang sub-zero temperatures.


Ang mga bakuna aniya ay tiyak na mapupunta sa mga siyudad at ospital na may ganitong kapabilidad.

Hindi tulad ng Sinovac at AstraZeneca na maaaring ipadala kahit saang bahagi ng bansa, kailangang maging pihikan sa mga lugar pagdating sa Sputnik V.

Pagtitiyak ni Domingo na ligtas na iturok ang Sputnik V vaccine.

Nabatid na ipinagkaloob na ng FDA sa Gamaleya Research Institute ang Emergency Use Authorization (EUA) para magamit sa bansa ang kanilang COVID-19 vaccine.

Facebook Comments