Bukod sa General Santos, nakipag-ugnayan na rin ang Cebu Pacific sa local governments ng Butuan, Dipolog, at Pagadian para sa pagtanggap ng negative antigen test results bilang pre-travel requirement sa mga pasaherong uuwi sa naturang mga lugar.
Kasunod ito ng alok ng Cebu Pacific na antigen tests sa mga pasahero sa halagang P700.
Bukod pa ito sa RT-PCR test option ng CebuPac na nagkakahalaga naman ng P3,300.
Una nang inilunsad ng nasabing air carrier ang kanilang Test Before Boarding (TBB) process sa mga pasahero nila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ang antigen test ng nasabing air carrier ay ginagawa ilang oras bago ang departure at inilalabas ang resulta matapos ang kalahating oras.
Ang mga pasahero naman na nagpopositibo sa pagsusuri ay hindi pinapayagang sumakay sa eroplano.