LGU’S NG ISABELA, NASUNGKIT ANG APAT NA PARANGAL

Apat na Local Government Unit ng Isabela ang nakapasok sa TOP 10 national rankings ng 10th Cities and Municipalities Competitiveness Index Summit ng the Department of Trade and Industry (DTI).

Nasungkit ng LGU Cauayan City ang Top 4 Most Improved LGU sa mga Component Cities habang nakuha naman ng LGU Maconacon ang Top 4 sa 3rd to 4th Class Municipalities under the Government Efficiency Pillar; LGU San Isidro Top 7 among 5th to 6th Class Municipalities under the Economic Dynamism Pillar at LGU Echague na naiuwi ang Rank 3 Intellectual Property Filers: Municipality.

Ang awarding ng nasabing parangal ay ginanap noong Oktubre 20, 2022 sa Philippine International Convention Center, Pasay City.

Ang Cities and Municipalities Competitiveness Index ay isang taunang ranking ng mga lungsod at munisipalidad sa Pilipinas na nakabatay sa limang haligi ng competitiveness – Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, Resiliency, at Innovation.

Facebook Comments