LGUs, pinagsusumite ng master list ng Priority Group A4

Dapat na magsumite ng kani-kanilang master list para sa pagbabakuna ang Priority Group A4 ang mga Local Government Unit (LGU).

Ito ang pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles matapos na aprubahan ng gobyerno ang updated list ng mga taong sakop ng A4 group na kinabibilangan ng mas maraming frontline workers.

Pasok sa sa A4 ang mga manggagawa mula sa sector at industriya ng transportasyon, pagmamanupaktura, edukasyon, media, mga nagtatrabaho sa palengke, hotel, government services at iba pa.


Ayon kay Nograles, mahalagang mayroong master list ang mga LGU para maisaayos ang paglalaan ng mga bakuna.

Ito rin kasi aniya ang pagbabasehan ng bilang ng bakunang ibibigay sa kada LGU.

Facebook Comments