Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga Local Government Units (LGU) na makipag-coordinate sa national government sa pamamagitan ng National Task Force (NTF) against COVID-19 at Department of Health (DOH) hinggil sa pagro-roll out at pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, kailangan magkaroon ng coordination process sa isang tripartite agreement na may kinalaman sa national government at pharmaceutical firms lalo na at maraming LGUs ang naghayag ng interes na makabili ng bakuna.
Pinuri din ni Año ang mga LGUs sa kanilang mga hakbang lalo na sa pagkakaroon ng pondo mula sa kanilang local budget para sa COVID-19 vaccines.
Tiniyak ng kalihim na mangunguna ang national government sa monitoring at proper allocation, sa pamamagitan ng DOH.