Palasyo, tiwalang hindi maaapektuhan ang demokrasya ng US ang riot sa Capitol

Tiwala ang pamahalaan na ang nangyayaring gulo sa United States Congress kung saan sumugod ang mga tagasuporta ni outgoing President Donald Trump ay hindi makaaapekto sa democratic process.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kampante sila na hindi matitinag ang demokrasya ng Amerika sa nangyayaring gulo sa US Capitol.

Sinabi ni Roque na ang mahalaga ay walang Pilipinong sangkot sa kaguluhan.


Inatasan na ang embahada at consular office sa Washington DC na bantayan ang sitwasyon.

Facebook Comments