LGUs, pwedeng magpatupad ng saliva-based COVID-19 test bilang pre-travel requirement

Pwedeng kumuha ang mga biyahero ng saliva-based COVID-19 test bago ang kanilang paglalakbay sakaling panatilihin ito ng Local Government Units (LGUs) bilang requirement.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, inaprubahan ng pandemic task force ang uniform travel protocols.

Pero mayroon pa ring discretion ang mga LGU na ipatupad sa mga bibisita sa kanilang lugar ang nasal swab o saliva RT-PCR testing.


“Ang general rule is no testing required. Ang exception na hinihingi ng LGUs ay pagbigyan sila ng kumbaga ng pagkakataon o karapatan na mag-require ng testing before flying,” sabi ni Nograles.

Sakaling panatilihin ng LGU ang testing protocol, ang mga biyahero ay kailangang magpakita ng negatibong PRC test result.

“Kapag sinabi ng LGU na kailangan pa rin, then it has to be RT-PCR, wala nang iba. Wala na iyong rapid test, wala na iyong antigen, hindi na kailangan iyon,” dagdag ni Nograles.

Ang saliva test ay mas mura sa standard swab test at aprubado ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Facebook Comments