Maaaring umapela ang mga residente sa National Capital Region (NCR) at apat na katabing probinsya na maisama sila sa listahan ng makakatanggap ng P1,000 na financial aid mula sa pamahalaan
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, ang mga Local Government Unit (LGU) ay inatasan nang bumuo ng Grievance and Appeals Committee para sa mga hinaing ng mga residenteng hindi nakatanggap ng ayuda.
Ang pangalan ng mga hindi kwalipikadong residente sa pa-ayuda ng gobyerno ay tatanggalin at papalitan sila ng mga indibiduwal na nararapat na mapabilang sa listahan.
Ang pondo para sa ayuda ay inihulog sa LGUs ng Department of Budget and Management (DBM).
Sinabi ni Malaya na ang mga lokalidad ang maghahanda ng ‘payroll’ at minamandatong tanggapin ang anumang reklamo at apela mula sa mga residente.
Halos 90% ng mga LGU sa NCR-plus ay nakatanggap na ng financial assistance mula sa national government.