Morale ng health workers, nananatiling mataas sa harap ng COVID-19 surge – Galvez

25

Nananatiling mataas ang morale ng mga healthcare workers sa kabila ng kanilang paghihirap bunga ng surge ng COVID-19 infections sa bansa.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., mayroon pa ring positive outlook ang mga healthcare workers mula sa mga ospital na kanyang binisita.


Kabilang na rito ang Philippine General Hospital (PGH), East Avenue Medical Center (EAMC), Lung Center of the Philippines (LCP) at National Kidney Transplant Institute (NKTI).

Bilib din si Galvez sa dedikasyon ng mga healthcare worker.

Ang pamahalaan ay magbibigay ng 280 hotel rooms para sa healthcare workers ng apat na ospital na magpopositibo sa COVID-19.

Facebook Comments