Pormal nang naghain sa Comelec ng manifestation at motion ang Liberal Party para hilingin sa poll body na bumuo ng independent body na magsisiyasat sa anilay iregularidad sa nangyaring pitong oras na data outage ng transparency server noong lunes.
Hiniling din ng LP sa Comelec na tukuyin kung saang lugar ang nagkaroon ng malfunction ang 961 na vote counting machines at ang 1,665 na SD cards na na-corrupt.
Gayundin ang lugar kung saan ini-release ang audit and system logs ng transparency server; at ang release ng full tech report sa technical glitch.
Una na ring inihirit ng ilang kaalyado ng Liberal Party na ipagpaliban ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato subalit nanindigan ang Comelec na oras na matapos ang national canvassing ay magpo-proklama sila ng national candidate.