Taxi driver na talo sa sugal, nangholdap; pasahero, tumalon sa bintana

Screenshot from video courtesy of Kamuning Police

Tumalon ang babaeng pasahero mula sa bintana ng taxi na sinasakyan niya matapos siyang holdapin ng driver nito.

Inaresto naman ng mga pulis ang suspek na kinilalang si Jake Destacamento sa bahay nito sa San Jose del Monte, Bulacan.

Umamin ang suspek sa ginawang krimen at ibinaling ang sisi sa kanyang pagsusugal at paggamit ng iligal na droga.


Depensa ni Destacamento, natalo umano siya nang araw na iyon at walang pang gasolina at boundary.

Batay sa imbestigasyon, hiniram ng driver ang cellphone ng biktima na sumakay sa Cubao para raw sa Waze.

Nang mapansin ng biktima na paikot-ikot na lang sila sa Balete Drive, binawi nito ang cellphone at saka na ito tinutukan ng patalim.

Masuwerte namang galos lang ang tinamo ng babae mula sa pagtalon.

Facebook Comments