Nagpahayag ng pag-alala si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa kaligtasan ni Senator Leila De Lima matapos na i-pull out ang senate security sa PNP Custodial Center.
Sa pahayag ni Pangilinan na siyang pinuno din ng Partido Liberal – nanawagan ito kay senate President Aquilino “Koko” Pimentel na ibalik ang mga tauhan ng Office of Senate Sergeant at Arms (OSAA) na nagbabantay kay De Lima sa Camp Crame.
Nabatid na inalis ni Pimentel ang mga tauhan ng osaa sa dahilang wala rin umanong silbi ang pagbabantay ng mga ito dahil hindi naman sila nakakalapit sa detention cell ni De Lima.
Pero giit ni Pangilinan – dapat makiusap ang senado na makalapit ang OSAA hindi lang 50 metro ang layo sa kulungan ng senadora.
Nababala ang mga kaalyado ni De Lima sa kanyang kaligtasan sa loob ng Camp Crame kasunod na rin ng insidente ng pagpatay ng ilang pulis sa negosyanteng si Jee Ick Joo at kay Albuera Mayor Rolando Espinosa.