Liberal Party Presidential Bet Mar Roxas, Walang Bahid Ang Rekord Sa Gobyerno

8

MANILA – Naniniwala ang kolumnista ng Manila Bulletin na si Leandro Coronel na sa lahat ng presidential candidate ay si Liberal Party Bet Mar Roxas lang ang walang bahid ang rekord sa pagsisilbi sa gobyerno.Aniya, tatlong pangulo ng bansa ang nagtiwala kay Roxas, patunay lang na nagtiwala ang mga ito sa kakayahan at katapatan nito.Siinabi din ni Coronel na bukod sa pagiging matapat ay isinilang na mayaman si Roxas kaya naniniwala siyang hindi ito magnanakaw sa bayan.Umaasa siya na pakikinggan ng mga botante ang kanyang payo na si Roxas ang iboto dahil ito lang ang karapat-dapat na maging pangulo ng bansa sa mga kandidatong tumatakbo sa eleksyon.

Facebook Comments