Pnp – Isinailalim Na Sa High Alert Status Para Sa Halalan 2016

6

MANILA – Isinailalim na sa “high alert status” ang Philippine National Police (PNP)…Inalerto ng PNP ang tatlong libong pulis, na posibleng ideploy bilang dagdag na pwersa sa mga lugar na ideneklarang “areas of concern”.Kabilang na dito ang Abra, Nueva Ecjia, Lanao Del Sur, Pangasinan, Masbate, Basilan, Lanao Del Norte, Western Samar, Negros Oriental at ang Maguindanao.Sinabi naman ni AFP Public Affair Office Chief Col. Noel Detoyato na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa pulisya para sa seguridad sa nalalapit na halalan.Nakahanda rin anya ang land, sea at air asset ng militar para sa pagbibyahe ng Mga Vote Counting Machines (VCM) at election paraphernalias.

Facebook Comments