MANILA – Mariing itinatanggi ng Liberal Party na wala silang planong patalsikin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.Ayon kay Caloocan Rep. Edgar Erice, hindi pinaguusapan sa LP ang oust Duterte plot.Tinitiyak din nito na wala silang plano laban sa Pangulo at hindi nila tinatarget ang posisyon nito.Dagdag pa ni Erice, nais nilang magtagumpay ang administrasyon ni Duterte kahit pa hindi sila lubos na magkasundo sa politika.Matatandaang dati nang inaakusahan ni Duterte ang mga dilawan o ang Liberal Party na plano siyang alisin sa pwesto.Samantala, inaprubahan na ang sub-committee report para sa death penalty bill sa mga karumal-dumal na krimen sa botong 12 Yes, 6 no, at 1 Abstain.Inaasahang bago ang Christmas break ay maipapasa ang death penalty bill para sa ikatlo at huling pagbasa.
Liberal Party Sa Kamara, Itinanggi Ang Planong Pagpapatalsik Kay Pangulong Duterte
Facebook Comments