Nakikita ni National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Baliscan na may pangangailangan upang i-liberalize ng Pilipinas ang sektor ng agrikultura.
Ito ang inihayag ni Balisacan sa kabila ng walang patid na pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin partikular na ng pagkain sa mga pamilihan.
Sa paglulunsad ng Philippine Development Plan 2023-2028, sinabi ni Balisacan na layon nito na mapayagan ang napapanahong pag-aangkat ng mga pangunahing agri-product sa sandaling kailanganin.
Binigyang diin pa ni Balisacan na kailangang paigtingin ang mga polisiya upang makapag-angkat ang bansa sa panahong kapos na ang suplay ng Pilipinas para mapunan ito.
Magugunitang kamakailan, iniulat ng Department of Agriculture (DA) na dumating na ang humigit-kumulang 3,500 mula sa kabuuang 5 libong metriko tonelada ng sibuyas na inangkat ng Pilipinas.