Liberation of Marawi, target sa Araw ng Kasarinlan

Manila, Philippines – Target ngayon ng Pamahalaan na tapusin na ang gulo sa Marawi City bago ang selebrasyon ng anibersaryo ng kalayaan ng bansa sa darating na Lunes, June 12.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, tatawaging liberation of Marawi ang kanilang target kung saan nakikita na aniya nila na lumiliit na ang puwersa ng Terorista sa lugar kung saan tatlong barangay nalang aniya ng lungsod ang hawak ng mga ito.

Nabawasan narin aniya ang mga naririnig na putok na nanggagaling sa mga kalaban at patuloy naman ang pinaigting na operasyon ng puwersa ng pamahalaan para labanan ang mga terorista.


Pero nilinaw naman ni Padilla na kahit hindi pa tuluyang mapasakamay ng gobyerno ang control sa Marawi City ay iwawagayway parin ng AFP ang bandila ng Pilipinas sa lungsod sa Anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan.
DZXL558

Facebook Comments