Hapilon, hindi pa nakatatakas ng Marawi City

Marawi City, Philippines – Binigyang diin ng Armed Forces of the Philippines na mali ang kumakalat na balita ngayon na nakatakas na mula sa Marawi City ang tinaguriang Emir ng ISIS sa Asia na si Isnilon Hapilon na lider din ng Teroristang Grupong Abu-sayyaf.

Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, pinaberipika nila sa Ground commander sa Marawi na si Major General Rolando Bautista ang lumabas na balita pero sinabi aniya nito na hindi toto ang lumabas na balita at nandoon pa si Isnilon sa Lungsod.

Kaugnay niyan kinumpirma naman ni Padilla na mayroon ngang mga natagpuang tunnels sa Marawi city pero sinabi nito na ang mga residente ang naghukay ng mga ito dahil sa dati pang insidente ng gulo sa Marawi noong 1972 ay kinailangan ng mga residente na gumawa ng mga escape tunnels.
DZXL558


Facebook Comments