Nagtakda na ng araw ng libing ang Bureau of Corrections (BuCor) sa mga labi ng inmates na nasawi sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
Ito ay kasunod ng panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa maayos na libing ng mga namatay na inmates.
Ayon kay BuCor Officer-in-Charge (OIC) Gregorio Catapang, ililibing ang mga ito sa Nobyembre 23, Biyernes at iimbitahan nila ang mga pamilya nito.
Samantala, inihayag ng Department of Justice (DOJ) na ang mga hindi pa nakukuhang labi na kabilang sa isasailalim sa autopsy ay mananatili hanggang hindi pa natatapos ang pagsusuri.
Nabatid na sa isinagawang imbestigasyon sa pagpatay sa beteranong mamamahayag na si Percy Lapid ay naging dahilan upang matukoy ang mga labi ng inmates sa Eastern Funeral Services sa Muntinlupa City.