Resolusyong kumikilala sa tagumpay ng 9-year-old Chess Gold Medalist, inihain sa Kamara

Nagpahayag ng pagsaludo si AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee sa kababayang Bicolano na si Bince Rafael Operiano, siyam na taong gulang na nagwagi ng gold medal sa katatapos na Eastern Asia Youth Chess Championship 2022 sa Bangkok, Thailand.

Ang pagkilala ni Lee sa tagumpay at karangalang ibinigay ni Operiano sa ating bansa at pagiging inspirasyon sa lahat ay nakasaad sa House Resolution na kaniyang inihain.

Pagtuntong ng sampung taong gulang ay igagawad na kay Operiano ang titulo bilang National Master.


Kahanga-hanga para kay Lee ang ipinamalas na husay at tatag ni Bince na hindi sumuko kahit isa siya sa libo-libo nating talentadong atleta na kailangan ng suporta mula sa gobyerno.

Bunsod nito ay iginiit ni Lee na maibigay ang tulong na kailangan ni Bince at iba pang atletang Pilipino, para higit silang magkaroon ng lakas ng loob para paunlarin ang talento at ipaglaban ang dangal ng ating bansa.

Facebook Comments