Cauayan City, Isabela- Nananawagan ang barangay Kapitan ng Buringal, Paracelis, Mt. Province na huwag suwayin sanang at ipagsawalang bahala ang kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na Enhanced Community Quarantine.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Florencio Gongkakik, brgy Captain ng Buringal, mayroon aniyang mga dayuhan na residente sa ibang probinsya ang nagpupumilit na pumasok sa kanilang barangay at hindi sumusunod sa kanilang ipinapatupad.
Aniya, malayo sa poblacion ang kanilang barangay at pinupuntahan umano ito ng mga taga ibang probinsya upang dito muna pansamantalang manatili upang makaiwas sa COVID-19.
May mga kamag-anak naman aniya ang mga ito sa kanilang lugar subalit nakikiusap pa rin ang Kapitan lalo na sa mga dayuhan na sumunod sa utos ng pamahalaan na manatili muna sa bahay.
Nanindigan rin si Bongkakik na ipapatupad nila ng mahigpit ang Community Quarantine at hindi na magpapasok ng sinumang dayuhan.
Paalala naman nito sa kanyang kabarangay na makiisa sa Enhanced Community Quarantine upang mapigilan ang pagkakahawa ng naturang sakit.