Nagsimula nang ipadala ng Bureau of Customs (BOC) at Door-to-Door Consolidators Association of the Philippines ang pagpapadala ng mga balikbayan boxes sa intended receipients nito.
Kasunod ito insidente ng pag-abandona ng mga foreign courier service sa libu-libong balikbayan boxes mula sa Middle East sa tanggapan ng BOC.
Labis naman itong ikinabahala ng ilang Overseas Filipino Worker (OFW) na matagal na nag-iipon upang may mailagay sa balikbayan box na ipapadala sa mga kamag-anak sa Pilipinas.
Ayon sa BOC, naipadala na nila ang pito sa 26 container vans na naglalaman ng tig-300 balikbayan boxes habang nakatakda namang i-deliver ang tatlong iba pa.
Sisimulan naman ang pagproseso sa mga natitirang kahon sa September 30.
Nakipag-ugnayan na rin ang BOC sa Deaprtment of Migrant Workers (DMW) upang magsampa ng karampatang kaso laban sa mga delivery services na sangkot dito.
Paalala naman ni BOC Administrative Office Director Michael Fermin sa mga OFWs na huwag magpadala sa mga pangako ng mababang fees ng mga delivery services pero hindi naman makararating sa dapat puntahan.