Kilalang convenience store na Ministop, papangalanan na bilang Uncle John’s

92

Inihayag ng Robinsons Convenience Stores Inc. na papalitan na nila ang pangalan ng convenience store na Ministop sa Uncle John’s.

Ayon sa pahayag ng Gokongwei group, hango ang bagong pangalan sa kilalang produkto ng Ministop na Uncle John’s Fried Chicken.

Dagdag pa rito, bahagi rin ito sa pagkilala ng legasiya ng dating founder ng Robinsons Retail na si Mr. John Gokongwei Jr..


Ito rin lumabas na top choice sa lahat ng entries na ipinadala ng publiko para sa pag-rebrand ng naturang tindahan.

Nitong Pebrero lamang ay nakuha ng Robinsons Retail ang 40% stake ng Ministop Japan dahilan para maging 100% Filipino owned company na ito.

Facebook Comments