Sa ibinahaging impormasyon ng Cagayan Provincial Information Office, pinakamaraming natanggap ang lalawigan ng Cagayan na may 1,370 na estudyante na nakakuha ng cash; sumunod ang Isabela na mayroong 861; may 1,090 naman sa Nueva Vizcaya; 1,256 sa Quirino, at mayroon lamang tatlo (3) sa Batanes.
Nasa kabuuang P11,040,000 naman ang naibigay ng DSWD mula sa iba’t ibang tanggapan nito sa lambak ng Cagayan.
Kaugnay nito, pinag-aaralan na rin ngayon ng DSWD Region 2 ang paraan ng distribusyon sa mga susunod na schedule kung saan makakatuwang na ng ahensya ang mga Local Government Unit sa pag-distribute ng nasabing ayuda.
Samantala, nilinaw ni Ginoong Michael Gaspar, Information Officer ng DSWD Region 2 na walang katotohanan ang kumakalat na impormasyon na may nasawi na buntis na pumila umano sa field office sa City of llagan, Isabela.