Libo-libong indigent families, inalis sa 4Ps; Samantala, budget sa mga indigent senior citizens, nabawasan pa sa 2021

Inalis at pinalitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang libo-libong indigent families sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sa budget hearing, sinabi ni DSWD Director Gemma Gabuya na nasa 180,000 households ang tinanggal at pinalitan sa naturang programa dahil hindi na sila pasok sa requirements ng 4Ps.

Sa kasalukuyan, 4.3 million ang 4Ps beneficiaries base sa kanilang listahan at target aniya nilang maitaas ito ng hanggang 4.4 million bago matapos ang kasalukuyang taon.


Nasa P113.8 billion naman ang ipinapanukalang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa susunod na taon.

Kasabay nito, ay umapela ang DSWD na maibalik sa orihinal nilang proposal na P24.003 billion ang budget para sa kanilang Social Pension for Indigent Senior Citizen.

Paliwanag ni DSWD Undersecretary Glenda Relova, nasa 91,000 na indigent senior na nasa waitlist ang posibleng hindi maayudahan sa susunod na taon bunsod ng P816,000 na reduction sa budget ng programa.

Facebook Comments