Isang lalaking nagtutulak umano ng shabu sa Taguig, arestado sa buy-bust operation

43

Timbong ang isang lalaking tulak umamo ng iligal na droga sa lungsod ng Taguig, matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kaniya pasado alas-9:00 kagabi.


Nakilala ang suspek na si Cleto Climacosa Mastrili, alyas Itoy, 39-anyos, residente ng Kalaw Compound, Mahogani St., Brgy. Bagumbayan, ng naturang lungsod.

Nakuha mula sa suspek ang 4.49 grams ng umano’y shabu na may katumbas na halagang P33,320, isang digital weighing scale, at P200 na ginamit bilang buy-bust money.

Ginawa ang nasabing operasyon sa No.105 MLQ St.,Brgy. Bagumbayan, Taguig City matapos makumpirma ang iligal na transaksyon ng suspek kaugnay sa ipinagbabawal na droga sa nasabing lugar.

Nakakulong na ang suspek sa Taguig City Police Station custodial facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments