Libo-libong mangingisda at magsasaka ang naapektuhan ng Bagyong Karding sa Quezon Province.
Marami sa kanila ang hindi alam kung paano babangon muli kung saan nasira ang mga bangka nila at panananim.
Tiniyak naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) – Calabarzon ang tulong sa mga mangingisda tulad ng kagamitan sa pagbuo muli ng bangka mga
Nagsimula namang mamahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kahapon ng relief packs at cash assistance sa mga 420 pamilyang nawalan ng bahay dahil sa bagyo sa lalawigan
Batay sa datos ng Quezon Provincial Government, nasa 1,500 kabahayan ang nasira sa lalawigan at nag-iwan ng186 million pesos na danyos sa agrikultura kung saan labis na naapektuhan ang palay, niyog, at sagingan.
Samantala, inihayag ni Polilio Island Mayor Angelique Bosque na inu-utay na nila ang paggamit sa tatlong milyong calamity fund bunsod ng inaasahang pagdating ng iba pang kalamidad ngayong taon.