Manila, Philippines – Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang libo-libong nagtipon sa University of the Philippines Los Baños campus kahapon kaugnay sa bali-balitang mamimigay umano ng pera ang pamilya Marcos.
Isa umanong kooperatiba na may access sa yaman ng pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang nangako sa mga dumalo na makatatanggap sila ng cash.
Alas-tres pa lang ng madaling araw ay nagsimula nang nagsidatingan ang mga taong umaasang makakatanggap ng pera.
Pagdating naman ng hapon ay sinalubong ng protesta mula sa mga mag-aaral ng UPLB ang naturang pagtitipon.
Samantala, nilinaw ni dating Senador Bongbong Marcos na isa itong scam at wala silang kinalaman sa naturang programa.
Dagdag pa nito, paulit-ulit na siyang nagbabala sa publiko na huwag magpapadala sa mga ganitong klase ng panloloko na ang intensyon lamang ay para sa kanilang personal na interes.