Hinihinalang holdaper, patay matapos umano manlaban sa mga pulis sa Malate

Manila, Philippines – Patay ang isang hinihinalang holdaper matapos umano itong manlaban sa kalye ng Mabini sa Malate, Maynila kaninang madaling araw.

Ayon kay Senior Inspector Dave Garcia ng Roxas Boulevard PCP, nakatanggap sila ng tawag mula sa biktima na si Nikka Dogma pasado 2:50 am.

Kwento ni Dogma, naghihintay siya ng masasakyang jeepney nang tutukan siya ng baril ng suspek sa kanyang tagiliran at sapilitang kinuha ang kanyang cellphone at pitaka.


Nang maabutan ng pulis ang lalaki ay bumunot agad ito ng baril at nagpaputok.

Gumanti naman ang mga pulis at napuruhan sa dibdib ang suspek na naging dahilan ng pagkamatay nito.

Narekober mula sa suspek ang isang kalibre .38 na baril, isang balisong, mga ID at dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Facebook Comments