Libo-libong pasahero, naapektuhan ng flight diversion sa NAIA

Libo-libong pasahero ang naapektuhan ng flight diversion ng international at domestic flights patungong Manila dulot ng zero visibility sa runway ng Ninoy Aquino international Airport (NAIA) dahil sa masamang panahon.

Aabot sa 18 flights kabilang ang apat na international flights ang na divert sa Clark, at Cebu International Airport.

Sa abiso ng MIAA, apat na international flight ang na divert sa Clark International Airport at Cebu International Airport.


Habang sa domestic flights, apektado rin ang limang flight ng Philippine Airlines, anim na flight sa Cebu Pacific at dalawa sa Air Asia.

Ang 17 flight ay nakalapag sa NAIA ng 11:57 kagabi at inantabayan na lamang ang isang flight na hindi pa nakarating ngayong umaga.

Samantala, abiso ng MIAA naibiyahe na sa pamamagitan ng land travel o naisakay na ng bus ang mga apektadong pasahero patungong Manila.

Facebook Comments