Libo-libong pasahero, perwisyo ang inabot ngayong Lunes sa ikalawang araw ng pagpapatupad ng Community Quarantine at Social Distancing sa Metro Manila

Abot-abot na perwisyo ang dinanas ng mga pasahero sa pagpasok sa trabaho ngayong araw ng Lunes, March 16, 2020.

Kasunod na rin ito ng ikalawang araw nang umiiral na quarantine sa Metro Manila dahil sa Coronavirus disease 2019.

Sa MRT-3, humaba na ng husto ang pila ng mga pasahero dahil sa ipinatutupad na limitasyon sa pagpapasakay ng pasahero upang masunod ang ‘One-meter Social Distancing Policy’.


Ilang istasyon din ang umabot sa kahabaan ng EDSA ang pila ng mga pasahero tulad sa North Avenue Station.

Pahirapan din ang pagpasok ng mga empleyado mula sa Norte at South na nagta-trabaho sa National Capital Region dahil sa mga inilatag na check point ng PNP at Militar.

Sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), hindi na rin mahulugang karayom sa dami ng pasahero na walang masakyang bus papuntang kahabaan ng EDSA.

Nabatid na pahirapan ngayon ang pagsakay sa bus dahil sa ipinatutupad na one-seat apart para sa social distancing.

Facebook Comments