Inilikas na ang libu-libong residente ng Surigao del Sur dahil sa inaasahang pagtama ng Bagyong Auring sa eastern coast ng Caraga bukas, araw ng Linggo. Feb. 21, 2021.
Ayon kay Surigao del Sur Gov. Ayec Pimentel, aabot sa mahigit 12,700 residents sa 12 municipalities ang kanilang inilikas at pansamantalang nakatuloy sa 30 evacuation center na itinakda ng lokal na pamahalaan.
Bagamat bahagyang humina ang Bagyong Auring, sinabi ni Pimentel na nananatili pa rin ang banta nito.
Samantala, isinailalim naman na ng Office of Civil Defense sa red alert status ang Region 6 bilang paghahanda sa Bagyong Auring.
Naka-preposition na ang relief goods at quick response teams sa mga strategic areas.
Nagkaroon na rin ng preemptive evacuation sa mga flood prone areas.