Lugar na Pagtatayuan ng Pabahay para sa mga Dating Rebelde, Ininspeksyon

25

Cauayan City, Isabela- Nagsagawa ng site survey para sa pabahay ng mga dating miyembro ng rebeldeng grupo na magkatuwang ginawa ng National Housing Authority (NHA) Region 2, LGU Jones at 86th Infantry (Highlander) Battalion.

Ito ay pabahay para sa mga sumukong rebelde nitong nakaraang miyerkules (Pebrero 17,2021).


Ayon kay Mayor Leticia Sebastian, LGU Jones, pagtitiyak nya na lagging nakaalalay ang LGU na tulungan a ng dating mga rebelde para sa kanilang pagbabagong-buhay kasama ang kani-kanilang mahal sa buhay.

Hakbang ito ng pamahalaan sa pangunguna ng NHA region 2 upang matiyak ang kaligtasan ng lugar na pagtatayuan ng kanilang mga bahay.

Ang programang pabahay ay nakapaloob sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng pamahalaan.

Facebook Comments