Libo-libong ‘Tokhang Responder’s, Lumahok sa Drug Summit!

*Tuguegarao City- *Naging matagumpay ang pagdaraos ngayong araw ng kauna-unahang Cagayan Provincial Tokhang Responder’s Drug Summit na ginanap sa Cagayan State University.

Dinaluhan ito ng humigit kumulang limang (5) libong Tokhang Responder’s mula sa iba’t ibang bayan ng Lalawigan ng Cagayan kabilang na ang iba’t-ibang kawani ng gobyerno at mga ahensya.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Regional Director, P/BGen. Jose Mario Espino, layunin ng naturang aktibidad na maipamulat sa mga tokhang responders sa Lalawigan ang iba’t-ibang programa ng pamahalaan.


Ayon kay P/BGen. Espino, pinapakita lamang ng pagtugon ng mga ito na disididong magbago kung kaya’t hinikayat nito na hindi dapat mahiya ang isang tokhang responder sa pagdalo sa naturang aktibidad dahil wala naman aniyang masamang mangyayari sa mga ito.

Binigyang linaw ni BGen. Espino na nasa 70 porsiyento na mula sa iba’t ibang bayan sa Lalawigan ng Cagayan ang nakapagsumite ng mga kaukulang dokumento upang malinis na sa droga ang kanilang mga bayan.

Sa ngayon, tanging ang bayan lamang ng Calayan, Rizal, Santa Teresita, at Santa Praxedes sa Lalawigan ang deklaradong Drug Free town.

Nagpasalamat naman ang pamunuan ng PR02 sa mga dumalong tokhang responders dahil sa pagtugon sa tagubilin ng pamahalaan at sa nasabing programa.

Facebook Comments