Libong empleyado ng dalawang airlines sa Amerika, mawawalan ng trabaho

Sisimulan na ng dalawang airline company sa Amerika ang pagbabawas ng kanilang empleyado sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Aabot sa 19,000 na empleyado ng American Airlines at 13,000 naman sa United Airlines ang nakatakdang mawalan ng trabaho sakaling mahinto na ang ayudang ibinibigay ng gobyerno ng Amerika.

Nabatid na magtatapos ngayong araw ang tulong ng US government sa ilallim ng Coronavirus Aid, Relief, and Economic Security Act kung saan nasa bilyong dolyar na rin ang napakinabangan ng dalawang airlines company para sa kanilang mga empleyado.


Napag-alaman na hanggang sa ngayon ay wala pang napag-uusapan ang Kongreso ng Amerika kung itutuloy ang financial aid pero sakaling mapalawig ito, handa ang dalawang kompanya na bawiin ang desisyon na magbawas ng empleyado.

Facebook Comments