Libong residente ng Maguindanao nakabiyaya ng Medical Services

24

Patuloy sa pag-iikot ang Gobyernong May Malasakit sa Maguindanao o GMSM para makapagbigay ng serbisyong medikal.
Sa nakalipas na mga araw, tinungo ng Medical Team ang mga bayan ng Shariff Saidona Mustapha, Parang, Talitay, Upi , South Upi , Datu Odin Sinsuat at Ampatuan .
Nagkakaloob ang Medical Team ng libreng konsultasyon, gamot, dental services, reading eye glasses, nagsasagawa rin ng feeding program sa mga kabataan ang mga ito.
Katuwang ng Provincial Government sa pangunguna ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang militar, LGU at IPHO Maguindanao.
Lubos naman ang naging kagalakan ng mga residenteng nakabiyaya sa ipinagkakaloob na Medical at Dental Services ng PGO.
Matatandaang nauna ng ipinangako ni Governor Bai Mariam na mismong ang kanyang Gobyerno ang bababa sa komunidad para ipaabot ang mga serbisyong pangkalusugan.
Ang pagpapanatili ng magandang kalusugan sa mga residente ng lalawigan ay kabilang sa prayoridad ni Governor Bai Mariam sa tinagurian nitong Makabagong Maguindanao.
PIC:ANM

Facebook Comments

From Advertisers